April 26, 2025

Home BALITA

FlipTop emcee, pumanaw na matapos makipag-battle sa matinding sakit

FlipTop emcee, pumanaw na matapos makipag-battle sa matinding sakit
Photo Courtesy: FlipTop Battle League

Namaalam na ang rapper at FlipTop emcee na si Romano Trinidad sa edad na 28 matapos makipaglaban sa matinding sakit.

Sa official website ng FlipTop Battle League noong Huwebes, Pebrero 27, kinumpirma nila na totoo ang balitang pumanaw na si Romano.

“Oo, totoo ang balita. Ngayon araw (ika-27 ng Pebrero 2025) ay pumanaw na ang FlipTop emcee na si Romano,” saad ng FlipTop.

Dagdag pa nila, “Ito ay dahil sa isang malubhang sakit pero ganunpaman ay hindi basta-basta sumuko si Romano. Nilabanan niya ito nang ilang linggo! Patunay na hindi lang siya sa battle rap malakas. Kami ay taos pusong nakikiramay sa mga naiwan niyang mahal sa buhay.”

National

ITCZ, easterlies, patuloy na nakaaapekto sa PH

Base sa ulat, nagkaroon umano ng stage 4 liver cancer si Romano.

Matatandaang unang sumampa sa entablado ng FlipTop si Romano noong 2014 at nakilala sa agresibong presensya niya sa battle. 

Kalaunan, naging finalist siya ng Isabuhay Tournament 2015 at semi-finalist naman sa Dos Por Dos Tournament 2017 kasama ang kagrupo niya sa 3GS at kapuwa taga-Cabanatuan na si J-King.