March 01, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Ex-jowa umano ni Coco Martin, may mensahe sa aktor

Ex-jowa umano ni Coco Martin, may mensahe sa aktor
Photo Courtesy: Screenshots from Julius Babao (YT)

Nagpaabot ng mensahe si award-winning actress Katherine Luna sa umano’y ex-boyfriend niyang si Coco Martin.

Sa latest episode ng vlog ni broadcast-journalist Julius Babao noong Huwebes, Pebrero 27, humingi siya ng tawad sa aktor.

“Kung ano man ‘yong nangyari, ‘yong mga nasabi ko dati, sana….balang-araw mapatawad mo ako,” saad ni Katherine.

“Gusto kong magpasalamat kasi hindi katulad ng ibang ama diyan ‘di ba na kapag sinabing sa kaniya [‘yong bata], walang pakialam. Sila pa ‘yong lumalayo,” pagpapatuloy niya.

Relasyon at Hiwalayan

KaladKaren, nagsalita na sa estado ng relasyon nila ng afam na hubby!

Dagdag pa ni Katherine: “Pero ikaw tinry mo pa ring lumapit. Tinry mo talagang malinawan. Pero ‘yon nga, sorry kasi nagkamali ako dala ng kabataan, dala ng mga maling nagawa ko noon.”

Matatandaang nagsimula ang isyu sa pagitan nilang dalawa nang sabihin ni Katherine na si Coco umano ang ama ng dinadala niyang sanggol sa sinapupunan.

Ngunit ayon sa resulta ng DNA test, hindi umano anak ni Coco ang bata.

Sa kasalukuyan, masaya raw si Katherine sa nararating ni Coco sa karera nito bilang aktor at direktor.

Aniya, “Deserved niya ‘yon dahil no’ng time pa lang na [...] pa-indie-indie pa lang siya, pinush niya ‘yon, e.”