February 28, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

KaladKaren at afam na hubby, on the rocks nga ba relasyon?

KaladKaren at afam na hubby, on the rocks nga ba relasyon?
Photo courtesy: Screenshots from KaladKaren (TikTok/IG)

Curious ang mga netizen sa pinakawalang TikTok video ng "Frontline Pilipinas" showbiz news presenter na si KaladKaren Davila o "Jervi Li-Wrightson na tila nagpapahiwatig daw ng pinagdaraanan niya sa relasyon nila ng asawang British national na si Luke Wrightson.

Sa TikTok video ni Jervi noong Pebrero 18, makikitang sa saliw ng tono ng "We Can't Be Friends" ni Ariana Grande ay tila nag-eemote si Jervi sa kaniyang pinagdaraanan.

Nakakaintriga pa ang mga text caption dito na mula pa rin sa lyrics ng kanta.

"I saw it coming I still cried, I thought when you left you'd leave my mind. No I don't wanna hate you but you chose your pride, when I need a hug you held the knife, but I still wish we had more time, must be crazy right," mababasa rito.

Tsika at Intriga

Julius Babao, binatikos nang tanungin live si KaladKaren kung totoong hiwalay na sa asawa

May simpleng caption pa ito na "Hay."

Dahil dito, nag-alala tuloy ang mga netizen na baka may pinagdaraanan na raw sina Jervi at Luke, lalo't kakakasal lamang nila noong 2024.

May mga nagsasabi pang wala na raw sa Instagram account ni Jervi ang wedding photo nila ni Luke.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng mga nag-aalalang netizens.

"kalmado pa, Jervi Wrightson pa rin siya sa IG for content purposes lang sana to para malaman sinong chismoso sa hindi"

"checked her IG, wala na ang wedding photos nila ni Luke. Naka private din ang account ni Luke. but her IG username is still kaladkaren and her name is still Jervi Wrightson."

"MA CONTENT LANG TO DIBA???? "

"for those saying na content lang, sana nga ganun kadali na mag pretend "

"i hope na di pa sila hiwalay"

Kung titingnan ang TikTok account ni Jervi, makikitang hindi pa burado ang ilang videos niya na kasama si Luke.

Binisita ng Balita ang TikTok account ni Jervi at ang huling video niya na kasama ang asawa ay noong batiin niya pa ng Happy Birthday si Luke noong Pebrero 9.

"Happiest birthday to the man who loved me even before I have loved my true self. ," mababasa sa caption.

Sa Instagram page naman niya, wala nga ang wedding photo ng mag-asawa subalit may mga Instagram post pa rin si Jervi na kasama si Luke.

Ang huli nga nito ay noong Hulyo 1, 2024 pa, para sa Happy Pride.

"May humabol sa Pride Month! So happy!!!! The best way to wrap up this very busy but very meaningful celebration! Maraming salamat po sa mga nakiisa at nagbigay ng suporta!" mababasa pa sa caption.

Nakipag-ugnayan ang Balita kay Jervi para sa kaniyang panig subalit wala pa siyang tugon dito.

KAUGNAY NA BALITA: KaladKaren, ginamit na pangalang 'Jervi Wrightson' sa pagbabalita