Hindi pinalagpas ng partner ng ina ni Pambansang Kamao at re-electionist sa pagkasenador na si Manny Pacquiao, na si Mommy Dionisia Pacquiao ang patutsada sa kaniya ng isang netizen, matapos niyang i-flex ang anibersaryo nila bilang couple.
Ibinahagi kasi ni Mike Drilon Yamson sa kaniyang Facebook post ang pagdiriwang nila ng ika-11 taong anibersaryo bilang magkarelasyon.
"Me and MommyD celebrate 11 yrs together," mababasa sa caption ni Mike.

Bukod dito, nagbahagi rin siya ng Facebook reel kung saan makikitang hinalikan niya sa bandang pisngi si Mommy D.
"11 years na masayang pagsasama at respeto sa isa't isa," mababasa sa text caption.
Ngunit isang netizen daw ang sumingit at biglang nagkomento sa post.
"11 years kanaring umaasa mag trabaho ka" saad ng commenter.
Agad namang bumwelta si Mike at sinabing may trabaho siya, kaya masasabing hindi siya umaasa kay Mommy D.
"content creator kaba kase di mo alam ang facebook meta ata sgurado kaba na wala ako trabaho," aniya.
"Ikaw may trabaho!!" aniya pa.
Hindi na tumugon dito ang basher.

Sa kabilang banda, marami naman ang nagpahatid ng pagbati sa dalawa, at masaya sila sa relasyong matatag nila.
Noong Mayo 15, 2024 ay ipinagdiwang ni Mommy D ang kaniyang ika-75 kaarawan, na naging kontrobersiyal dahil bukod sa kaniyang pamilya, nakasama niya ang ex at present partner.
Ang ex-partner na tinutukoy ay si Rosalio Pacquiao, ang ama ni Manny.
Si Mike naman, kahit marami ang nang-iintriga sa dalawampu’t apat na taong agwat ng kanilang mga edad, in fairness ay going strong pa rin ang kanilang pagsasama.
KAUGNAY NA BALITA: Mommy Dionisia, kapiling ang ex at present jowa sa 75th birthday niya