Ibinida ng DJ-social media personality na si Jellie Aw ang kaniyang latest looks matapos ang insidenteng kinasangkutan sa kamay ng dating fiance na si Jam Ignacio.
Makikita sa Instagram story ni Jellie ang mga larawan niya kung saan mapapansing buo na ulit ang nabasag na ngipin at nagbalik-alindog na siya.
"Buo na ulit yung nabasag," mababasa sa kaniyang text caption.

Kamakailan lamang, nagbigay ng update si Jellie na magsasadya na siya sa dental clinic para magpaayos ng nabasag na ngipin.
MAKI-BALITA: Jellie Aw, nag-update tungkol sa sapak sa kaniya ni Jam Ignacio
Samantala, si Jam naman ay sinasabing lumipad patungong Japan matapos magsadya sa National Bureau of Investigation (NBI).
MAKI-BALITA: Matapos magsadya sa NBI: Jam Ignacio, lumipad pa-Japan?