Masaya ang Kapuso Sparkle artist na si Sandro Muhlach sa desisyon ng Pasay Regional Trial Court 114 na ibasura ang inihaing motion to quash nina Jojo Nones at Richard Cruz sa kasong sexual assault.
Sa panayam ng GMA Integrated News nitong Miyerkules, Pebrero 26, sinabi ni Sandro na ipaglalaban daw niya ang kaso hanggang dulo anomang pambabaligtad ang ginagawa ng kabilang panig.
“Kahit anong paninira, pambabaliktad 'yong ginagawa nila sa akin, ipaglalaban ko ito hanggang huli kahit nag-plead sila ng not guilty. Sino ba naman kasing criminal ang aamin pagdating sa ganitong cases?” saad ni Sandro.
Sabi naman ng ama niyang si Niño Muhlach, “I’m very satisfied with what’s happening. Kasi no’ng nakaraan, no’ng nag-dismiss do’n sa isang court ‘yong acts of lasciviousness, medyo pinanghinaan ng loob si Sandro.”
MAKI-BALITA: Reklamo ni Sandro Muhlach na ‘acts of lasciviousness’ laban kina Nonez at Cruz, ibinasura ng Pasay court
Samantala, ayon sa abogado nina Jojo at Richard na si Atty. Maggie Abraham-Garduque, hindi raw okay sa kaniyang mga kliyento ang desisyon ng korte.
“But they are still fighting for this case because they still will prove their innocence with respect to the case that's been filed against them,” aniya.
Matatandaang nagsimula ang isyu ni Sandro nang maglabas ng blind item ang Philippine Entertainment Portal (PEP) tungkol sa baguhang aktor na ginawang “midnight snack” umano ng dalawang TV executives.
MAKI-BALITA: Baguhang aktor, pinagsamantalahan ng dalawang TV executives?