Tila pinanggigilan ng mga netizen ang birthday photo ng hunk actor na si Christian Vasquez noong Pebrero 22, 2025.
Ibinida kasi ni Christian ang kaniyang maganda at maskuladong katawan, na kitang-kita ang nagngangalit niyang abs.
"Checking 1 2 3 at 48," mababasa sa caption ng kaniyang post.
Ang "48" ay tumutukoy sa kaniyang edad na hindi mahahalata sa kaniyang magandang pangangatawan.
Hindi naman naiwasan ng mga netizen na mapakomento rito, kabilang na ang social media personality na si Macoy Dubs.
"Belated happy bday po. Kayo po dahilan bakit ako bading. Charet!" aniya.
Mas nakakaloka naman ang iba pang komento ng netizen.
"Jusq daddy "
"Hulaan niyo nasaan ang aqua flusk ko ngayon "
"Hot"
"Kayo po dahilan ng pag tangkad ko. Belated Happy Birthday bossing."
"mag tatangal na nmn ako ng fake nails"
"ikiskis mo sa iyong rosas"
Hindi naman nag-reply si Christian sa mga aliw na komento sa kaniya ng netizens.
Matatandaang ikinawindang noon ni Christian ang komento sa kaniya ng isang fan, kung saan sinabi nitong ipinangkukuskos daw niya sa "rosas" niya ang hubad na larawan ng aktor.
MAKI-BALITA: Pinantasya: Christian Vasquez kinuskos sa 'rosas' ng bebot