February 27, 2025

Home SHOWBIZ Events

Bakit bumulaga, naparampa si Kris Aquino para kay Michael Leyva?

Bakit bumulaga, naparampa si Kris Aquino para kay Michael Leyva?
Photo courtesy: ABS-CBN News via MJ Felipe

Marami ang nagulat sa biglang pagsulpot ni Queen of All Media Kris Aquino sa People of the Year 2025 awards night ng "People Asia," saktong paggunita pa sa ika-39 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution I noong Martes, Pebrero 25.

Kahit may face mask, kapansin-pansin ang pagiging magiliw at radiant pa rin ni Kris habang nakadilaw na top na may fuchsia pink na blazer. Floral naman ang kaniyang palda na aabot hanggang sahig ang haba.

Namataang kasama ni Kris ang bunsong anak na si Bimby Aquino Yap.

Halatang namayat si Kris dahil sa tindi ng gamutan niya sa halos siyam na iniindang sakit, subalit hindi niya ito alintana para makadalo lamang sa awards night para sa kaibigang si Michael Leyva.

Events

Kris nakadilaw at pink sa awards night, sakto sa EDSA39

Si Michael Leyva, na isa sa mga pinarangalan, ay isang kilalang fashion designer sa bansa, ay parang "younger brother" na raw ni Kris. Nag-sorry pa si Kris dahil late siyang nakarating sa event. Inakala pa nga raw niyang Pebrero 24 pa lang nang araw na iyon. 

"He's acting like the dad to Bim and the dad to kuya."

"He is more than just a friend. He is like the younger brother I never had," paliwanag ni Kris.

"There are people who would say ‘I’ll be there for you’ or ‘Maaasahan mo ako’ but Michael has proven so many times, and in so many ways," aniya pa.

"Younger brother she never had" ni Kris si Michael dahil ang kaisa-isang lalaking kapatid nila, na pumanaw na si dating Pangulong Noynoy Aquino, ay kuya niya.

Anyway, kahit aminadong hindi pa raw siya ganoon ka-okay, pinasaya pa rin ni Kris ang gabi kahit hindi naman siya awardee.

Kamakailan lamang ay nagbigay ng health updates si Kris, at dito ay inamin din niyang single na siya ulit.

MAKI-BALITA: Kris Aquino, underweight; 'di pa rin puwedeng mag-work