March 04, 2025

Home SHOWBIZ

Vice Ganda, iba pang It's Showtime hosts nag-reflect sa kabuluhan ng People Power

Vice Ganda, iba pang It's Showtime hosts nag-reflect sa kabuluhan ng People Power
Photo courtesy: Screenshot from Kapamilya Online Live (YT)

Nagbigay ng kaniyang saloobin si Unkabogable Star Vice Ganda hinggil sa kahalagahan ng paggunita sa ika-39 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution I, habang nagho-host ng segment na "Showtime Sexy Babe" sa noontime show na "It's Showtime."

Ayon kay Vice Ganda sa live Tuesday episode ng show, Pebrero 25, "Ang People Power, it is a bloodless revolt. Ito ay pakikipaglaban ng mga Pilipino nang walang dumanak na dugo. Mapayapang pamamaraan ng pakikibaka... napakaraming Pilipino ang pumunta ng EDSA para magkaisa, mapayapang makipag-usap, mapayapang nakiusap lalo na sa kasundaluhan..."

"Nagbigay ng bulaklak," singit naman ng co-host na si Vhong Navarro.

Maya-maya ay pinatugtog na ang sikat na awiting "Magkaisa" na theme song ng People Power.

Tsika at Intriga

Pagbabayad ng tax at pagtatanong kung saan napunta ito, obligasyon!—Vice Ganda

"Ang kapangyarihan ay bumalik sa tao. Sa mahabang panahon kasi, ang kapangyarihan ay napunta sa mga pinuno at ang pangkaraniwang tao ay nawalan ng kapangyarihan, pero dahil sa People Power, ang kapangyarihan ay naibalik sa tao, at ang mga tao ang nagdikta kung ano ang gusto nilang mangyari sa bansang ito noong panahong iyon," pagpapatuloy pa niya.

"Nagkaroon ng kalayaan," sundot naman ng isa pang co-host na si Jhong Hilario.

"Yes! Nagkaroon ng kalayaan, natapos ang diktadurya, ang martial law 'di ba?" aniya pa.

"Yes. Nagkaisa, nagkaroon ng kapangyarihan ang bawat Pilipino," saad naman ni Kim Chiu. "Kaya naging democratic country tayo."

"Yes, maraming salamat... magandang napag-uusapan natin 'yan lalo na sa mga ganitong panahon, 'di ba, kasi 'yong mga bata nga, ano kayang alam nila talaga sa nangyari sa People Power? 1986 ito nangyari. Di ba? Three years old ako no'n," hirit pa ni Vice Ganda.

"Pero 'pag nakita mo 'yong mga larawan lang, maaano 'yong puso mo agad eh, puwede pala 'yon, 'di ba? Bloodless revolt. At kahit sa ibang bansa, kung hindi ako nagkakamali naikuwento ito sa akin ng History teacher ko 'yan, may celebration ng French Revolution hinonor nila 'yong pangyayari sa Pilipinas doon sa People Power. At si Cory Aquino pinarangalan nila..."