Nagbigay na ng pahayag ang actor-dancer na si Mark Herras tungkol sa pagkakaugnay niya kay “Revival King” Jojo Mendrez.
Sa panayam ni MJ Marfori noong Lunes, Pebrero 14, inusisa si Mark tungkol sa pagsorpresa niya kay Jojo sa ginanap na contract signing nito kamakailan.
MAKI-BALITA: Jojo Mendrez, sinorpresa ni Mark Herras
“Siguro ‘yong mga generation ngayon baka nakakalimutan kasi nila na I was raised by gay parents, e. Kung sa kanila parang malaswa ‘yon, sa akin hindi siya masamang tingnan,” saad ni Mark.
Dagdag pa niya, “So, magaling at malaki ‘yong respeto ko sa mga kapuwa LGBTQIA+.”
Ayon kay Mark, ipinauubaya na raw niya sa tao kung ano man ang gustong isipin ng mga ito tungkol sa kanila ni Jojo.
“Bahala kayo sa buhay n’yo kung ano ang gusto n’yong isipin. Basta ako wala akong ginagawang masama and at the same time, wala akong tinatapakang tao,” aniya.
Matatandaang pinabulaanan na rin ni Jojo ang intrigang may namamagitan umano sa kanila ni Mark sa isang episode ng “Ogie Diaz Showbiz Updates” kamakailan.
MAKI-BALITA: Singer at negosyanteng kasama ni Mark Herras sa casino, nagsalita na