February 25, 2025

Home BALITA National

59-anyos housewife, kumubra ng ₱314.6M premyo sa PCSO

59-anyos housewife, kumubra ng ₱314.6M premyo sa PCSO
photo courtesy: PCSO/WEBSITE

"Totoong may swerte pong dumarating..."

Kinubra na ng isang housewife ang napanalunan niyang jackpot prize sa Ultra Lotto 6/58 na binola noong Enero 5. 

Kamakailan lamang, iniulat ng PCSO na kinubra na ng 59-anyos na housewife ang premyo niyang P314,591,292.80 noong Pebrero 5.

Nahulaan niya ang winning numbers na 36-46-16-19-23-27. 

National

Baste Duterte sa #EDSA39: 'May the darkest times in our history never happen again'

Kuwento ng lucky winner sa panayam sa PCSO, nagwi-window shopping lang daw sila ng mga kaanak niya nang madaanan nila ang isang lotto outlet sa SM Megamall at naisipang tumaya.

Hindi naman daw niyang akalaing mananalo siya.

Dagdag pa niya, gagamitin daw niya ang napanalunan sa investments, savings, at pagtulong sa pamilya.

“Sa mga mananaya po kagaya ko, taya lang po nang taya kung may budget kasi totoong may swerte pong dumarating. Isipin din po natin na nakakatulong tayo sa ganitong paraan sa ating kapwa,” pagbabahagi ng lucky winner.