Isang masuwerteng mananaya na mula sa Cebu City ang pinalad na makapag-uwi ng tumataginting na ₱109 milyong jackpot prize ng SuperLotto 6/49 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Linggo ng gabi.
Sa abiso ng PCSO, nabatid na matagumpay na nahulaan ng lone bettor ang winning combination na 40-34-32-26-21-12 ng SuperLotto 6/49 na may katumbas na premyong ₱109,545,674.80.
Nabili umano ng lucky winner ang kaniyang lucky ticket sa Cebu City.
Upang makubra ang kaniyang premyo, kinakailangan lamang ng lucky bettor na magtungo sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at iprisinta ang kanyang lucky ticket at dalawang balidong IDs.
Nagpaalala naman ang PCSO na ang lahat ng premyong lampas ng ₱10,000 ay papatawan ng 20% tax, alinsunod sa TRAIN Law.
Dagdag pa nito, ang lahat ng premyong hindi makukubra, sa loob ng isang taon, mula sa petsa nang pagbola dito, ay mapupunta naman sa kawanggawa.
Samantala, sinabi ng PCSO, na walang pinalad na makahula sa winning combination sa UltraLotto 6/58 na 54-36-22-04-31-45 kaya’t walang nakapag-uwi sa katumbas nitong jackpot prize na ₱102,591,752.