Patay ang isang 30 taong gulang na seaman matapos bumangga ang sasakyan niya sa isang truck sa Barangay Sinawal, General Santos City noong Linggo, Pebrero 23, 2025.
Pero bukod dito, natuklasan ding ninakaw raw ang mga gamit ng seaman mula sa kaniyang nabanggang sasakyan, kaya nanawagan ang kaniyang inang ibalik ito.
Ayon sa ulat ng Brigada News nitong Lunes, Pebrero 24, kasama sa mga nawala ang gold necklace ng biktima na nagkakahalaga ng ₱25,000, cellphone at ATM card ng biktima na tinatayang nasa ₱175,000 ang kabuuang halaga.
Naghahanda na raw sana ang biktima na muling bumalik sa barko sa darating na Marso 3. Samantala, lumalabas naman sa imbestigasyon na na nanggaling pa sa swimming ang biktima sa Barangay San Jose at pauwi na sana nang mangyari ang aksidente.
Isang 17 taong gulang din ang nasawi at umano'y kasama ng biktima ng bumangga sila sa isang truck.