March 31, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Nakipag-ayos kay Daniel? Madir ni Kathryn, may mensahe sa humohopiang fans ng anak!

Nakipag-ayos kay Daniel? Madir ni Kathryn, may mensahe sa humohopiang fans ng anak!
Photo courtesy: Kathryn Bernardo, Min Bernardo, and Star Magic (IG)

Kumakalat ang bali-balitang nagkaayos at nagkabalikan na raw ang dating reel at real couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, o mas kilala bilang "KathNiel."

Matatandaang noong Nobyembre 2023 nang kumpirmahin ng dalawa ang kanilang break-up matapos ang ilang taong pagsasama.

Simula noon ay nagkahiwalay na sila ng mga proyekto, hanggang sa maitambal na nga si Kathryn kay Kapuso star Alden Richards, nang gawin nila ang pelikulang "Hello, Love, Again" na sequel ng "Hello, Love, Goodbye."

Pero sey ni Min Bernardo, madir ni Kathryn, huwag daw magpapaniwala sa fake news ang humohopiang fans nina Kathryn at Deej.

Relasyon at Hiwalayan

Paulo kay Kim: 'Have you ever seen me as more than a friend?'

"Huwag kayong masyadong naniniwala sa mga fake news," simpleng sey ni Min sa short video ni Tita Long Gumatay. "Basta, tanungin n'yo na lang si Tita Long."

Although walang direktang sinabi si Min kung anong fake news ang tinutukoy niya, mainit nga kasi ang tsika tungkol umano sa pagkakaayos ng anak at ni DJ, na itsinika pa ng social media personality at Pambansang Lalaking Marites na si Xian Gaza.

"BREAKING NEWS: Kathryn Bernardo & Daniel Padilla, nagkaayos na! Kompirmd 99.9%! Yung 0.01% ay yung germs na hindi napatay ng Safeguard!" mababasa sa Facebook post ni Xian.

"Atin-atin na lang muna at huwag na lang sana makakalabas hangga't kinukumpirma pa natin kung sila ba ay magjowa na ulit. Salamat. Please respect their privacy..." aniya pa.