Isang magnitude 4.0 na lindol ang tumama sa probinsya ng Surigao del Sur nitong Lunes ng umaga, Pebrero 24, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Base sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 5:54 ng umaga.
Namataan ang epicenter nito 22 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Lingig, Surigao del Sur, na may lalim na 10 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.