May "life update" ang DJ-social media personality na si Jellie Aw matapos ang insidente ng umano'y pananapak sa kaniya ng ex-fiancé na si Jam Ignacio.
Sa kaniyang latest Instagram post, Linggo, Pebrero 23, sinabi ni Jellie na getting better na raw siya bagama't may pasa pa rin siya sa ilalim ng kanang mata, at basag pa rin ang ngipin niya, bagama't naka-schedule na raw siya sa dental clinic.
Para daw sa mga nagtatanong, huwag na raw silang mag-worry dahil nagpapagaling na siya.
Nagpaplano na rin daw si Jellie na bumalik na sa trabaho.
Matatandaang humingi na ng tawad sa kaniya si Jam at nag-aasam pa itong sana raw ay maikasal pa rin sila.
MAKI-BALITA: Jam Ignacio nag-sorry kay Jellie Aw, gusto pang makasal sila
Ngunit sinabi ni Jellie na bagama't mahal pa niya ang dating boyfriend, hindi na raw matutuloy ang kasal.
MAKI-BALITA: Jellie Aw, mahal pa rin si Jam Ignacio pero gustong bigyan ng leksyon