Pasimple nga bang sinagot ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards ang mga umaaligid na intriga sa kaniya sa pamamagitan ng Instagram story?
Sa isang IG Story kasi ni Alden nitong Lunes, Pebrero 24, mababasa ang isang food for thought na tila may kahulugan at pinatutungkulan.
“Mind your own business,” saad sa text caption.
Ito ay matapos lumutang ang tsika na itinigil na raw niya ang panliligaw sa kaniyang “Hello, Love, Again” co-star na si Kathryn Bernardo matapos ang nasabing movie.
MAKI-BALITA: Alden Richards, itinigil na panliligaw kay Kathryn Bernardo?
Bukod pa rito siyempre ang umuugong na bulung-bulungan na nagkabalikan na umano sina Kathryn at ex-jowa nitong si Kapamilya star Daniel Padilla.
MAKI-BALITA: Sasakyan ni Daniel, ilang gabi nang paikot-ikot kina Kathryn; nakikipagbalikan?
Pero kung matatandaan, wala namang kinukumpirma si Alden na kahit ano hinggil sa relasyon nila ni Kathryn maliban sa mas naging komportable daw sila sa isa’t isa nang muli silang magkasama sa pelikula.
MAKI-BALITA: Alden sa relasyon nila ni Kathryn: ‘What you see is what you get’
MAKI-BALITA: 'Malaki ang naging change:' Kathryn, Alden very comfortable na sa isa't isa
