February 24, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Dennis, pinapayagang makipagtukaan si Jennylyn sa ibang aktor?

Dennis, pinapayagang makipagtukaan si Jennylyn sa ibang aktor?
Photo Courtesy: Jennylyn Mercado, Dennis Trillo (FB)

Nausisa ang Kapuso celebrity couple na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado tungkol sa limitasyon nila sa kanilang trabaho bilang mga artista.

Sa latest episode ng “Ogie Diaz Showbiz Updates” noong Linggo, Pebrero 23, inalam ni showbiz insider Ogie Diaz sa mag-asawa kung magkakaroon ba ng kissing scene sa pagitan ni Jennylyn at ng “Everything About My Wife” co-star nilang si Sam Milby.

Pero sabi ni Jennylyn, “Kailangan nilang manood para malaman.”

Kaya naman pagkatapos nito ay nagawi ang usapan kung may patakaran bang sinusunod sina Jennylyn at Dennis tungkol sa pakikipagtukaan sa ibang artistang nakakatrabaho.

Relasyon at Hiwalayan

Nakipag-ayos kay Daniel? Madir ni Kathryn, may mensahe sa humohopiang fans ng anak!

Ayon kay Dennis, “Artista kami pareho. Naiintindihan namin ‘yong ginagawa ng isa’t isa. Wala namang personalan do’n. Kung nire-require talaga ng eksena na gawin ‘yon, siyempre pinag-uusapan naming mag-asawa bago gawin ‘yon.”

“Saka ‘yong script nakukuha naman namin agad. Pagka[basa] parang ‘di na ako ‘to. Parang dati parang kaya ko pa ‘to pero ngayon parang hindi ko na yata kayang mag-topless,” dugtong naman ni Jennylyn.