February 24, 2025

Home BALITA Politics

Atty. Luke Espiritu, winelcome ni Atty. Leni Robredo sa Angat Buhay Center

Atty. Luke Espiritu, winelcome ni Atty. Leni Robredo sa Angat Buhay Center
Photo Courtesy: Luke Espiritu (FB)

Ibinahagi ni senatorial aspirant at labor leader Atty. Luke Espiritu ang pagbisita niya sa Angat Buhay Center sa Naga City.

Sa isang Facebook post ni Espiritu noong Linggo, Pebrero 23, pinasalamatan niya si dating Vice President Leni Robredo sa pagtanggap nito sa kaniyang campaign team.

Aniya, “Maraming salamat sa pag-welcome ni former Vice-President Atty. Leni Robredo sa aming campaign team kaninang tanghali sa Angat Buhay Center sa Naga City.” 

Bukod dito, naging masustansya rin daw ang talakayan nila ng dating bise presidente tungkol sa pampolitikang kalagayan ng Pilipinas.

Politics

Pagpuna ni Agot Isidro sa gobyerno, suportado ng pamilya

“Sama-sama nating itaguyod ang Bagong Politika ng masa tungo sa isang dynasty-free Dream Philippines,” saad pa ni Luke sa caption ng post.

Ang Angat Buhay ay isang non-profit organization na naglalayong palakasin ang kultura ng bolunterismo sa bansa sa pamamagitan ng Bayanihan programs.