February 23, 2025

Home BALITA Eleksyon

McCoy De Leon, naispatan sa Panagbenga Festival kasama si Sen. Imee Marcos

McCoy De Leon, naispatan sa Panagbenga Festival kasama si Sen. Imee Marcos
Photo Courtesy: Screenshots from Imee Marcos (FB)

Namataan si “FPJ’s Batang Quiapo” star McCoy De Leon sa Panagbenga Festival sa Baguio City kasama si Sen. Imee Marcos habang sakay ng float.

Sa Facebook live ng senador nitong Linggo, Pebrero 23, makikitang bukod kay McCoy ay kasama rin niya ang dati niyang kagrupo sa Hashtags na si Kid Yambao pati ang iba pang celebrity tulad nina Juliana Parizcova Segovia, Julian Trono, at Cristine Reyes.

Matatandaang ilan sa kanila ay nagpakita na rin ng suporta sa kandidatura ng kapatid ni Imee na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos noong 2022 presidential elections.

In fact sa parehong nabanggit na taon ay gumanap pa nga si Cristine bilang “Imee Marcos” sa pelikulang “Maid in Malacañang” ni Daryl Yap.

Eleksyon

Paalala ni Ogie Diaz sa mga kumakandidato: 'Kailangan din ng utak!'