February 23, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Loisa Andalio, sinariwa 8 years na pagsasama nila ni Ronnie Alonte: 'Nakakaiyak!'

Loisa Andalio, sinariwa 8 years na pagsasama nila ni Ronnie Alonte: 'Nakakaiyak!'
Photo Courtesy: Loisa Andalio (IG)

Inalala ni Kapamilya actress Loisa Andalio ang 8 taong pagsasama nila ng jowa niyang si dating Hashtags member Ronnie Alonte.

Sa latest Instagram post ni Loisa noong Sabado, Pebrero 22, makikita ang serye ng mga larawan nila ni Ronnie sa pagi-pagitan ng panahon.

“8 years ago…. parang kelan lang!!!!! [Ronnie Alonte] nakakaiyak mag throwback… road to 9 years ” saad ni Loisa sa caption.

Umani ang post ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Relasyon at Hiwalayan

Kris Aquino, single na ulit!

"Awww congrats nmn grabe nmn ui mga pabebe pa nuon ngayun mga pa beBest na "

"Mga panahong nakikita ko pa kayo sa cashier hahahs"

"love birds!!!"

"I REMEMBER THE DAYSSSS "

"Grabe yung showtime days ahhh kamiss "

"LoiNie = Walang showbiz, walang script, PURE LOVE lang! Totoo at pangmatagalan!"

"Favorite line nya : Asan si Loisa? Kumain na si Loisa? HAHAHAHA "

Tila going strong talaga ang relasyon ng dalawa sa kabila ng umuusong hiwalayan sa showbiz industry.

Matatandaang sa isang media launch noong 2022 ay ibinahagi ni Loisa ang sikreto sa matagal nilang relasyon ni Ronnie.

MAKI-BALITA: Loisa sa sikreto ng mahabang relasyon nila ni Ronnie: “Wala na kaming paki sa sasabihin ng iba”