Inamin ni Kapuso actress Katrina Halili na napatawad na raw niya ang sarili matapos ang nangyaring kontrobersiya noong 2009.
Sa panayam ng GMA Integrated News kamakailan, napag-usapan ang tungkol sa mapapait na karanasang dumating sa buhay ni Katrina.
Aniya, “May kasalanan ako sa sarili ko, wala akong dapat i-sorry sa ibang tao. Parang sa sarili ko ako nagkaroon ng kasalanan, 'di ba? Kung mayroon akong hihingan ng tawad, kay Lord.”
“Napatawad ko na [ang sarili ko]. Hindi naman ako makakatayo ngayon kung hindi ko napatawad ‘yong sarili ko,” dugtong pa ni Katrina.
Matatandaang nasangkot si Katrina noong 2009 sa kontrobersiya dahil sa kumalat na sex video nila ng doktor na si Hayden Kho.