April 02, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Jam Villanueva sumagot, papansin lang daw sa socmed matapos heartbreak

Jam Villanueva sumagot, papansin lang daw sa socmed matapos heartbreak

Pinalagan ni Jam Villanueva ang hanash ng isang anonymous netizen tungkol sa kaniyang presensya sa social media, sa pamamagitan ng kaniyang Instagram story.

Isang netizen kasi ang nagsabing pinatutunayan lang daw ng social media accounts niya na kailangan lang niya ng "attention" at "affirmation" matapos ang pinag-usapang "heartbreak."

Ang heartbreak na tinutukoy ng netizen ay ang kontrobersiyal na screenshots na pinost ni Jam patungkol sa umano'y sweet messages sa isa't isa ng ex-boyfriend na si Anthony Jennings at katambal nitong si Maris Racal.

Akusa ng netizen, "You know, your socmed proves you just needed attention and [affirmation] after a heartbreak :(."

Tsika at Intriga

Bagong PBB celeb housemate, inakusahang 'walang ambag sa groupworks noong college'

Buwelta naman ni Jam, "No dear, you just don't know me that well wayback when I was in college pa I love engaging and chatting with my followers. They know that."

Dagdag pa niya, "I just went a bit quiet and stayed lowkey when I got into a relationship cus I had to make some adjustments. Now i'm back to reconnecting my old self who's not afraid to express and just be herself."

Photo courtesy: Screenshot from Jam Villanueva (IG)

Bukod dito, sinagot din ni Jam ang isang netizen na nagsabing pabawas na nang pabawas ang kaniyang followers.