Flinex ng ex-girlfriend ng Kapamilya actor at isa sa cast members ng "Incognito" na si Anthony Jennings, na si Jamela "Jam" Villanueva, ang mapanakit na kanta ng kaniyang kapatid na si Idol Philippines contestant Jhamil Villanueva.
Sa kaniyang Instagram story kasi ay ibinahagi ni Jam ang "Hangganan" ni Jhamil Villanueva sa Spotify, na mula naman sa flex ng isang fan.
Mula sa kanta ay hinighlight niya ang isang pahayag sa lyrics na "Akala ko ay habambuhay, hahawakan ang iyong mga kamay."
Paliwanag ng fan sa text caption, "currently on repeat! grabe yung nasaktan ako kahit di naman ako brokenhearted."
"dahan-dahan lang naman sa pananakit haha but kidding aside, ang husay nung @jhamil-beautiful music, soulful voice, heartfelt lyrics, raw emotions. I'm a fan sir!!" aniya.

Samantala, sinagot din ni Jam sa Instagram story ang isang netizen na nagsabing pabawas na nang pabawas ang kaniyang followers matapos itong mag-increase sa kasagsagan ng isyu niya kina Anthony at Maris Racal.
MAKI-BALITA: Jam Villanueva, dumami lang daw followers dahil sa isyu pero pabawas na nang pabawas