Nananawagan ngayon ng tulong ang isang pamilya sa Iligan City upang mahanap na ang kanilang kaanak na dalaga, kung saan pinaniniwalaan nilang “manipulative boyfriend” umano nito ang dahilan ng kaniyang pagkawala.
Sa isang Facebook post nitong Linggo, Pebrero 23, ibinahagi ni Abegail Palado na umalis ang kaniyang ate dakong 1:00 o 2:00 ng madaling araw at mula noon ay hindi na umuwi.
Naniniwala raw ang pamilya nina Abegail na ang boyfriend umano ng kaniyang ate ang sangkot sa pagkawala nito dahil mayroon na raw itong “history” ng serious violations.
“This man (her boyfriend) has my sister’s account and if nagagalit siya or nag-aaway sila, ginagamit niya account ng ate ko to threaten her,” ani Abegail sa kaniyang post.
“One of the main reasons kung bakit siya nagagalit sa ate ko is kung hindi nasusunod lahat ng kaniyang utos.”Nagbahagi rin si Abegail ng screenshots ng ilang mga mensahe umano ng manipulasyon ng lalaki, na nagsasabing kung hindi susundin ng biktima ang kaniyang mga pinapagawa, hindi raw maaayos ang kanilang relasyon.
“His manipulation didn't stop there, he even sent her private, intimate photos to our family members out of spite,” saad ni Abegail.
Bukod sa pagpapadala ng maseselang larawan ng kapatid ni Abegail, pinuwersa pa umano ito ng boyfriend na mag-download ng isang mobile app para magkaroon siya ng access sa account ng pamilya nito.
“Nung nalaman niya na nakuha namin lahat ng information tungkol sa kaniya through my tita’s convo with my cousin, nagalit siya kay ate. To make matters worse, he even demanded my sister to translate those private messages for him,” aniya
Ayon pa kay Abegail, naghain na sila ng report sa pulisya at nakipag-ugnayan sa cybercrime unit kaugnay ng nangyari, ngunit sinubukan umanong manipulahin ng suspek ang biktima upang bawiin ang kanilang kaso.
“He sent her detailed instructions on how to convince the authorities to drop the charges. One of his messages said, ‘Wag kang magpaalam’ ‘Umalis ka nalang bigla, para maisip nila ginagawa nila sayo’ – sobrang nakakagigil the way how he talks to my ate, she is clearly being manipulated by this evil b*tch,” saad pa ni Abegail.
Nananawagan si Abegail sa publiko na tulungan silang mahanap ang kaniyang ate at maging ang kinaroroonan ng boyfriend nitong pinangalanan niyang “John Carlo del Monte.”
“We are exhausted, scared, and deeply hurt. Please, if you know anything about this man’s whereabouts, or if you have any connections that can help us find him and bring my sister home, reach out to us. We need all the help we can get to end this nightmare. Please, we’re begging for your support,” ani Abegail.
“And for JOHN CARLO DEL MONTE’s family if you read this post sana naman tulongan niyo na kami ngayon. You’ve already known this incident since December, but what happened?? Hindi kayo naniwala saamin, but I don’t blame you since nag talk naman kayo ng ate ko. However, nung nag message ulit ako this January, hindi niyo man lang pinansin, I was asking for your help to make them stop because I can’t bear seeing my ate not looking like herself na. So please, kahit ngayon lang, help us,” dagdag pa niya.
Habang isinusulat ang artikulong ito’y wala pang updates kung natagpuan na ang kapatid ni Abegail.