Nakakaloka ang sorpresang bungad ng “It’s Showtime” family sa pagbabalik ng co-host nilang si Anne Curtis matapos ang birthday nito.
Sa latest episode kasi ng Kapamilya noontime show noong Sabado, Pebrero 22, pinag-birthday concert si Anne nang hindi niya alam.
“Nagpapaligaya sa ‘yo ang pagkanta. Kaya naman, mayro’n kaming espesyal na inihanda para sa ‘yo. [...] Ngayong Sabado, ipapa-feel natin ang nakaka-Diyosang kulitan,” saad ni Vice Ganda.
Dagdag pa niya, “Sisimulan natin ‘yan sa isang pangmalakasang kantahan [...] mula sa isang OPM Diva na may boses na aalingawngaw ngayong araw sa ayaw o sa gusto ninyo, sa ayaw o sa gusto niya, may production na magaganap.”
Pero kahit hindi nakapaghanda at walang kaalam-alam sa mangyayari, game pa ring sinakyan ng tinaguriang Dyosa ng showbiz ang trip ng mga kasamahan. Humarap siya sa madlang people at kinanta ang mga sumusunod: “Girls Just Wanna Have Some,” “Alone,” at “Walking on Sunshine.”