Patok na patok ngayon, ginagaya, at ginagawan ng memes ang social media personality na si "Grace Tanfelix" dahil sa kaniyang cooking vlogs at videos, lalo na sa social media platform na TikTok.
Bukod sa nagsasarapang pagkaing niluluto niya sa kaniyang bahay, hit sa mga netizen ang sinasambit niyang "Okay na 'to!" kapag tapos na and ready to eat na ang kaniyang nilutong pagkain.
Plus factor pa rito na nanay siya ng Kapuso actor at "Batang Riles" star na si Miguel Tanfelix, na paminsan ay napapasama pa sa vlogs at videos niya, bilang "tagatikim" o tagakain ng kaniyang niluto.
Ang "Okay na 'to" ay ginawang memes na rin ng ilang content creator, at kapag sinabing "Sinapian ka ni Grace Tanfelix," mapapasabi ka na rin ng "Okay na 'to" sa kahit na anumang ginagawa mo, halimbawa, trabaho sa opisina, pinagkakaabalahan sa eskuwela, o kung ano pa mang activities na hindi naman related sa pagluluto.
Mukhang aware naman si Mommy Grace na patok siya ngayon kaya gumawa siya ng compilation ng cooking videos niya na nagsasambit ng "Okay na 'to."
Maging ang anak na si Miguel ay gumawa na rin ng video para gayahin ang mama niya, habang nasa set naman ng Batang Riles.
Itinampok naman silang dalawa sa TikTok page ng GMA Network kung saan makikitang biglang hinugasan ni Miguel ang basong pinag-inuman ng tubig nang makita si Grace.
"SIGE NA NGA, OK NA ‘TO! Buti naman at nahugasan ang pinag-inuman. Kaway-kaway sa mga nakarelate kay #MgaBatangRiles star #MiguelTanfelix," makikita sa caption ng TikTok video.
Nakakaloka naman ang comment ng ilang netizens, na sinang-ayunan naman ng karamihan.
"si Miguel talaga pinakamasarap na gawa ni Tita Grace"
"Si Kidlat pinakamasarap na luto ni Mommy Grace hahahaha..."
"Kung si Miguel lang din naman, okay na okay na 'to!"
"Tita! hindi po pinunasan nung pinasok sa drawer! ako na po papalo"
BASAHIN: 'Okay na 'to!' Sino si Grace Tanfelix at bakit siya ginagawan ng memes?