February 23, 2025

Home SHOWBIZ

Sen. Robin, inispluk sinabi ni SP Chiz sa 'sikreto ng masayang asawa'

Sen. Robin, inispluk sinabi ni SP Chiz sa 'sikreto ng masayang asawa'

Mukhang may napulot na payo si Sen. Robin Padilla kay Senate President Chiz Escudero tungkol sa pagkakaroon ng sikreto upang magkaroon ng masayang asawa.

Sa kaniyang Facebook post noong Biyernes, Pebrero 21, ibinahagi ni Sen. Robin na dumaan siya sa bahay ni SP Chiz upang sumangguni sa ilang mga problema niya sa opisina.

"Ako'y napadaan sa tahanan ng aming Pinuno upang magsangguni ng aking mga suliranin sa opisina maraming salamat at akoy pinaglaanan ng Mahalaga niyang Oras," sey ni Robin.

Habang nag-uusap daw sila ay nagluluto rin ang senate president para sa kaniyang misis na si Kapuso star at fashion socialite Heart Evangelista-Escudero.

Elisse Joson, 'di kayang makita isilid sa sako ang anak: 'Even as work lang!'

"Habang akoy kanyang pinapayuhan ng gagawin siya ay nagluluto para sa kanyang asawa at sa tahanan."

“'Ang sikreto ng masayang asawa ay kung masaya ang laman ng kanyang sikmura,'" pahayag daw ni SP Chiz.

Si Sen. Robin ay mister ng TV host-online personality na si Mariel Rodriguez-Padilla.

Samantala, umani naman ng samu't saring reaksiyon at komento ang mga naging pahayag ng senate president patungkol sa nakabinbing impeachment cases ni Vice President Sara Duterte.

Ipinahayag ni Escudero na kokonsultahin niya ang kaniyang mga kapwa senador kung “available” ang mga itong pag-usapan ang impeachment trial ni  Duterte.

“Will consult the others if they want to and if they are available,” ani Escudero sa isang text message sa mga mamamahayag nitong Biyernes, Pebrero 21.

MAKI-BALITA: SP Chiz, kokonsultahin daw mga senador hinggil sa impeachment trial kay VP Sara