Napagdiskitahan ni Lei Jimenez, misis ng namayapang komedyanteng si Tado Jimenez, ang throwback picture nila kasama si Sen. Robin Padilla.
Sa isang Facebook post ni Lei kamakailan, mababasa ang hirit niya kay Tado na bumangon sa pagkakalibing.
“Huy, amaaaaaaaa, bumangon ka diyan! Ikaw mag-explain nito sa mga anak mo hahahahahhahaha nasa memories ih hahahahahhahar!” saad ni Lei sa caption ng post.
Matatandaang nahaharap sa kontrobersiya si Sen. Robin matapos ang naging pag-eskapo ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa loob ng Senado.
Sa katunayan, itinuturing na ng National Bureau of Investigation (NBI) si Sen. Robin bilang person of interest sa pagtakas ng kapuwa niya senador.
Maki-Balita: Sen. Robin, 'person of interest' para matukoy kinaroroonan ni Sen. Bato—NBI
Batay sa isinapublikong CCTV footage ng pulisya noong Mayo 20, magkasamang pumunta sina Sen. Bato at Sen. Robin sa parking lot ng Senado at sumakay sa Fortuner na puti na may plakang “DAV 1225” na nakarehistro umano sa pangalan ng huli.
Ngunit sa isang pahayag na nilabas ni Sen. Robin nitong Biyernes, Mayo 22, itinanggi niyang pinatakas niya ang ibinabato saa kaniyang paratang.
Katwiran ng senador, marami raw pulis sa loob at labas ng Senado noong mangyari ang kaguluhan sa Senado at may mga CCTV pa kaya paano raw masasabi ng publiko na tumakas sila ni Sen. Bato.
Maki-Balita: 'Walang humarang sa amin!' Sen. Robin, mariing tinangging tinakas niya si Sen. Bato