February 23, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Pink na bulaklak ni Andrea, ibinida; galing sa basketbolista?

Pink na bulaklak ni Andrea, ibinida; galing sa basketbolista?

Usap-usapan ng mga netizen ang isang TikTok post ni Kapamilya star Andrea Brillantes kung saan fine-flex niya ang isang bouquet ng mga pink na bulaklak na mukhang bigay sa kaniya ng umano'y ka-date niya noong Valentine's Day week.

Matatandaang naispatan daw ang aktres kasama ang isang lalaking may dala pang bouquet of flowers, habang sila ay nasa isang restaurant.

Nakilala raw ang lalaki na si Samuel “Sam” Fernandez, isang Filipino-Jordanian varsity basketball player mula sa San Beda University.

Kahawig naman ng bouquet na ibinida ni Andrea sa kaniyang TikTok video ang bouquet na bitbit ng lalaking kasama raw niya sa restaurant.

Tsika at Intriga

Kaila Estrada, tinutukso kay Daniel Padilla?

Kapag naman titingnan ang "search" sa TikTok post ni Andrea, makikita ang kaniyang pangalan at pangalan ng basketball player.

Kaya naman, hinala ng mga netizen ay mukhang masigla na naman ang buhay-pag-ibig ni Blythe matapos ang relasyon niya sa isa pang basketball player na si Ricci Rivero.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"today I didn't get the memo why is everyone saying sam Fernandez "

"sino si Sam Fernandez? bakit yun ang nasa search bar"

"apektado ako. ang sakit! sobra ko nasasaktan kay Koyl. blythe bat naman ganooon Anoba nasa tamang tao kana e "

"Pahinga ka muna beee wag puro jowa sasaktan ka lang"

Samantala, wala pa namang tugon, reaksiyon, o pahayag si Andrea patungkol dito.

MAKI-BALITA: Andrea at kasamang basketbolista, minalisya; bagong manliligaw niya?