February 23, 2025

Home SHOWBIZ

Elisse Joson, 'di kayang makita isilid sa sako ang anak: 'Even as work lang!'

Elisse Joson, 'di kayang makita isilid sa sako ang anak: 'Even as work lang!'
Photo Courtesy: Elisse Joson (IG), Screenshot from Showbiz Updates (YT)

Hindi raw kayang makita ni Kapamilya actress Elisse Joson ang anak niyang si Felize na isilid sa sako kahit bahagi umano ito ng trabaho.

Sa ginanap kasing Grand Mediacon ng “Saving Grace The Untold Story” kamakailan, inusisa ni showbiz insider Ogie Diaz ang mga cast ng show kung ano ang mararamdaman kapag isinilid sa sako ang mga anak nila tulad ng ginawa sa karakter ni Zia Grace.

“Naalala ko lang kay Zia noong pinapanood ko ‘yon, parang ang sabi ko, hindi ko yata kayang si Felize gawin ‘yon even as work lang; ‘yong maging batang artistang gano’n,” saad ni Elisse.

Kaya naman, sobrang bilib daw si Elisse kay Zia at sa mga magulang nito na pumayag gawin ang nasabing role.

Tsika at Intriga

Kaila Estrada, tinutukso kay Daniel Padilla?

Aniya, “Si Zia, she’s enjoying what she’s doing and I’m happy that she is. Pero sa sariling anak ko, sana hindi niya gustuhin. Kasi kahit hindi totoo, ang hirap makita na gano’n ang eksena.”

Matatandaang maraming netizens ang napaluha nang ilabas ang official trailer ng “Saving Grace” noong Nobyembre 2024.

MAKI-BALITA: Trailer ng 'Saving Grace,' nagpaluha sa netizens