February 23, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Andrea at kasamang basketbolista, minalisya; bagong manliligaw niya?

Andrea at kasamang basketbolista, minalisya; bagong manliligaw niya?
Photo Courtesy: Screenshot from Showbiz Broadcast (FB), Reddit

Usap-usapan sa social media ang lalaking naispatang kasama ni Kapamilya star Andrea Brillantes noong Valentine’s Day.

Sa video na ibinahagi ng netizen kamakailan,  makikitang tila nasa isang restaurant sina Andrea at ang lalaki na may dala pang bouquet. 

Nakilala ang lalaki na si Samuel “Sam” Fernandez, isang Filipino-Jordanian varsity basketball player mula sa San Beda University. 

Samantala, kung bibisitahin ang official TikTok account ni Andrea, mapapanood doon ang isang video kung saan may ibinida siyang bouquet na hawig ng bitbit ni Sam sa kumakalat na video.

Tsika at Intriga

Kaila Estrada, tinutukso kay Daniel Padilla?

Umani tuloy ang post ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Pahinga ka muna beee wag puro jowa sasaktan ka lang"

"hindi pa sinasagot guys dating palang ha Blythe wag na wag"

"apektado ako. ang sakit! sobra ko nasasaktan kay Koyl. blythe bat naman ganooon Anoba nasa tamang tao kana e "

"Kung totoong si sam fernandez man sana wag maulit ung pain ni blythe sa mga past relationship nya"

"aww look at her eyes, she’s inlove"

"sino si Sam Fernandez? bakit yun ang nasa search bar"

At batay sa usapan sa Reddit, mukhang last year pa umano nakikitang magkasama sina Sam at Andrea. 

“Last year pa sila spotted. Si Blythe tall guys talaga ang type. Very obvious na jinowa lang si Seth for the loveteam,” saad ng isang netizen.

Matatandaang sa isang panayam noong Enero, inamin ni Andrea na marami umano siyang manliligaw ngunit nililigwak naman niya.

MAKI-BALITA: Andrea, aminadong may mga 'nagpaparamdam' manligaw pero nililigwak

Si Sam ba ang isa sa mga manliligaw ni Andrea na maswerte nitong pinaunlakan? 

Sa kasalukuyan, wala pang inilalabas na pahayag o reaksiyon ang dalawa tungkol sa kanilang real-score