February 23, 2025

Home SHOWBIZ

Jellie Aw, mahal pa rin si Jam Ignacio pero gustong bigyan ng leksyon

Jellie Aw, mahal pa rin si Jam Ignacio pero gustong bigyan ng leksyon
Photo Courtesy: Screenshot from ABS-CBN News (FB), Jellie AW (IG)

Aminado si Jellie Aw na mahal pa rin daw niya ang negosyante at fiancé niyang si Jam Ignacio matapos ang ginawa nitong pambubugbog sa kaniya.

BASAHIN: 'Papakulong kita!' Ex ni Karla Estrada, nambugbog ng jowa?

Sa panayam ng media nitong Biyernes, Pebrero 21, hindi itinanggi ni Jam ang damdamin niya kay Jam ngunit gusto raw niyang bigyan ng leksyon ang huli.

“‘Yong pagmamahal ko siyempre nandito pa rin. Mahal pa rin kita. Pero siyempre hindi naman pwedeng love lang ang paiiralin natin. Magharap na lang po kami,” saad ni Jelie.

Elisse Joson, 'di kayang makita isilid sa sako ang anak: 'Even as work lang!'

Dagdag pa niya, “Sa ngayon tinatanggap ko naman ‘yong sorry niya. Pero gusto ko pong bigyan ng leksyon si Jam sa ginawa niya sa akin.”

Bukod dito, sinabi rin ni Jellie na hindi na raw matutuloy pa ang plano nilang kasal ni Jam bilang respeto niya sa kaniyang ina na lubhang na-trauma sa nangyari.

Matatandaang sa eksklusibong panayam ng GMA Integrated News kamakailan ay humingi si Jam ng tawad kay Jellie at hiniling pa niya na sana ay matuloy ang kasal nila.

MAKI-BALITA: Jam Ignacio nag-sorry kay Jellie Aw, gusto pang makasal sila