February 23, 2025

Home SHOWBIZ Teleserye

Jillian sinabuyan ng asido, naging si Myrtle na; umani ng reaksiyon

Jillian sinabuyan ng asido, naging si Myrtle na; umani ng reaksiyon
Photo courtesy: Screenshots from GMA Network (YT)

Usap-usapan ang twist sa teleseryeng "My Ilonggo Girl" na pinagbibidahan ni Jillian Ward katambal si Michael Sager.

Sa kuwento kasi, nagkamali ang lalaking inutusang sabuyan ng asido ang kamukha ni Venice (ginagampanan din ni Jillian) na si Tata (si Jillian din) at dahil magkamukha nga sila, si Venice ang nasabuyan.

Kinailangang iretoke ang mukha ni Venice matapos masira dahil sa asido.

Makalipas ang walong buwang gamutan, gumaling na nga si Venice subalit hindi na si Jillian ang gumaganap kundi ang cosplayer na si Myrtle Sarrosa.

Teleserye

Jennylyn Mercado, nagsasanay nang magpaputok

Paliwanag ng doktor sa serye sa pagtanggal ng takip sa mukha ni Venice, kaya tuluyang nabago ang mukha ng pangalawang karakter ni Jillian ay dahil sa labis na pagkasirang dulot ng asido at sa impeksyon na rin, kaya kinailangan nilang magsagawa pa ng maraming operasyon.

Nabago naman daw ang boses niya dahil sa tagal na-damage daw ang vocal cords dahil sa tagal niya sa ventilator.

Sa kaniyang Facebook post ay masaya naman itong ibinahagi ni Myrtle.

"Hindi ako si V—almond. I am Venice. And Venice is back for vengeance— with a new face that will change everything.

I’ll be back on television on the drama My Ilonggo Girl on GMA Network & GMA Public Affairs every night!" mababasa sa Facebook post ni Myrtle.

"This has been an unexpected blessing for 2025 but I am truly grateful to GMA, Sparkle GMA Artist Center Direk Rado, The whole production team behind MIG and ofcourse the beautiful Jillian Ward for the trust to be Venice for #MyIlonggoGirl Book 2. "

"As a proud Ilongga, excited na gid ako to be a part of this show. Please watch and support! "

Samantala, halo-halo naman ang komento ng netizens tungkol dito. May mga pumuri kay Myrtle subalit may mga nagsabing tila malayo raw ang height at kaha ng katawan ni Myrtle at Jillian.

"Magaling naman si Myrtle pero bakit ganun, parang ang layo niya kay Jillian hahahaha."

"Ano na naman ba 'to GMA hahaha."

"Hindi siguro kinaya ni Jillian dalawang character ginagampanan mahinang nilalang..."

"Kaya siguro nilagay si myrtle para masabi na may ilonggo talaga jan binabash nyo na hindi marunong magsalita ng ilonggo si Jillian at wala sa tono ayan kaya siguro sya kinuha."

"Natapunan ng acido tapos tumangkad, nag iba katawan boses, nagkaroon ng nunal hahahahaha"

"pampatangkad pala ang acido at pampapayat"

"Yung kalook-alike na lang sana niya sa KMJS..."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang production team sa likod ng serye tungkol dito. Bukas ang Balita sa kanilang panig.