February 22, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Jam Ignacio nag-sorry kay Jellie Aw, gusto pang makasal sila

Jam Ignacio nag-sorry kay Jellie Aw, gusto pang makasal sila
Photo courtesy: Screenshot from GMA Integrated News, ABS-CBN News (YT)

Humingi ng tawad sa fiancée na si Jellie Aw ang negosyanteng si Jam Ignacio matapos ang insidente ng umano'y pambubugbog niya kamakailan habang nasa loob sila ng sasakyan.

Sa eksklusibong panayam ng GMA Integrated News kay Ignacio, sinabi niyang nais pa rin daw niyang matuloy ang pagpapakasal nila ng kasintahan. Aniya, hindi raw siya nagtatago sa mga awtoridad at naghintay lamang ng tamang panahon para magsalita.

Pinagsisisihan daw niya ang nagawa sa kaniyang pakakasalan at humingi ng tawad kay Jellie.

"Sa mga kapatid, sa mga kaibigan, heto, heto ako, haharap sa inyo, humaharap na humihingi ng taos-pusong sorry, sorry, sobrang sorry lalo na sa family ni Jellie, Ma, sorry Ma. Alam niya na mahal na mahal ko si Jellie," aniya.

Tsika at Intriga

Baby ni Derek kay Ellen, 'di raw niya anak; aktor, pumalag!

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Jellie tungkol dito.

Kamakailan lamang ay pormal nang nagsampa ng reklamo si Jellie sa National Bureau of Investigation (NBI) laban kay Jam.

MAKI-BALITA: Jellie Aw, isiniwalat dahilan ng pambubugbog sa kaniya ni Jam Ignacio

Sinabi naman ng NBI na maghahanda na sila ng subpoena laban kay Jam.

MAKI-BALITA: Jam Ignacio, isa-subpoena ng NBI dahil sa umano'y panggugulpi kay Jellie Aw