March 14, 2025

Home SHOWBIZ

Rason ng pagkamatay ni Kim Sae Ron, isiniwalat ng pulisya

Rason ng pagkamatay ni Kim Sae Ron, isiniwalat ng pulisya
Photo courtesy: Kim Sae Ron (IG)

TRIGGER WARNING: Suicide

Inilantad na sa publiko ang dahilan kung bakit namatay ang South Korean actress na si Kim Sae Ron na ikinabigla ng kaniyang fans at supporters.

Ayon sa news outlets sa South Korea, sinasabing binawi ni Kim ang kaniyang sariling buhay habang nasa kaniyang bahay noong Linggo, Pebrero 16.

Nadiskubre ang bangkay ng 24 anyos na South Korean actress at dating child star sa kaniyang tahanan sa Seongsu-dong, eastern Seoul, bandang 4:55 ng hapon. Isang kaibigan daw ang dapat sana'y makikipagkita sa kaniya nang araw na iyon.

Lumang videos ni Vice Ganda, ginagamit upang manggantso

Batay sa inisyal na imbestigasyon, wala umanong nakitang foul play sa pagkamatay ng aktres.

"We have not found any signs of foul play as of yet, but we are investigating the circumstances of the death," anang mga awtoridad.

Wala ring nakitang note o sulat sa lugar kung saan natagpuan ang kaniyang bangkay. Hindi na binanggit sa mga ulat kung ano ang espesipiko o partikular na ginawa ni Kim sa kaniyang sarili.

Samantala, hindi pa malinaw ang puno't dulo o dahilan ng sinasabing pagwakas ni Kim sa kaniyang sariling buhay.

Nakilala ang aktres sa mga pelikulang “A Brand New Life,” at “The Man From Nowhere," at naging bahagi rin ng ilang K-drama gaya ng “Hi! School Love On,” “Can You Hear my Heart," “The Queen’s Classroom,” at marami pang iba.

Noong 2022, nasangkot siya sa kontrobersiya matapos mahuling nagmamaneho habang lasing. Saglit siyang nag-lie low sa showbiz, subalit muling nagbalik noong 2023 sa Netflix series na "Bloodhounds."