Ibinahagi ng aktres na si Andi Eigenmann ang bonding moment nila ng mga anak kasama ang partner na si Philmar Alipayo, batay sa kaniyang Instagram post nitong Martes, Pebrero 18.
Makikita ang masayang moment ng pamilya sa isang beach sa Siargao, na may makahulugang caption.
"Dire ra sa kun hae an malinawon. Hinay hinay, mo hilom ra. Tanan para sa pamilya," aniya.
Sa Ingles, ito ay may salin na "This is where I find peace. Slowly, everything will quiet down. Everything for the family."
Matatandaang kamakailan lamang ay nasangkot sa kontrobersiya ang kanilang relasyon ni Philmar matapos niyang magpahayag sa social media ng kaniyang hinaing patungkol sa pagpapa-matching tattoo ng una at ng "girl best friend" nitong si Pernilla Sjoo. Umabot pa nga ito sa pag-unfollow nina Andi at Philmar sa Instagram accounts ng isa't isa, at nag-overthink na ang mga netizen na baka mauuwi na sila sa tuluyang hiwalayan.
MAKI-BALITA: Andi, banas kay 'friend' na may couple tattoo kay Philmar
Umani ng samu't saring batikos mula sa mga netizen sina Philmar at Pernilla, bagay na tinanggap naman ni Philmar ang masasakit na salita laban sa kaniya.
Ngunit mukhang naayos naman ng dalawa ang problema at nagkaayos na raw.
MAKI-BALITA: Philmar Alipayo, sinorpresa si Andi Eigenmann
MAKI-BALITA: Marupok yarn? Philmar Alipayo, sinabing okay na sila ni Andi Eigenmann
Kaya naman, narito ang ilan sa mga payo ng netizens:
"Happy kung happy ka Miss Andi, peru unta from now on, your husband know boundaries."
"Tama lang ang ginawa ni Andi para matauhan ang mga dapat matauhan! Mahiya ng konti ang mga hindi marunong magrespeto."
"You just did what you have to do. Protect yoir lovely children, your beautiful family at all costs. Stay happy and strong together."
"Andie, you're a superhero mom! I can only imagine what you're going through, but your dedication to your children's happiness is truly inspiring."