Usap-usapan ng kapwa celebrities at netizens ang ibinahaging video clip ng TV host na si "Sam Y.G." na nagpapakita sa isang umano'y bagong "modus" ng ilang mapagsamantala.
Mapapanood sa video ang isang lalaking bigla na lamang ibinangga ang sarili sa isang itim na kotseng umaandar sa isang kalsada, at bigla na lamang kunwa'y bumalandra sa gilid.
"New Modus in the [Philippine flag]. Pls be safe everyone," mababasa sa text caption ng video clip, na ibinahagi ni Sam sa kaniyang Instagram post.
Sa mismong caption naman ni Sam, "Ang bilis ng pangyayari.."
Inulan naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa kapwa celebrities.
Sey ni Vina Morales, "Hala!!! bigyan ng jacket yan for best actor ang galing eh "
"BAD ACTING!" komento naman ni Jay Gonzaga.
Ang anak naman ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano na si Paolo Valenciano, sinabing naranasan na raw niya ang nabanggit na modus.
"This happened to me in makati ," aniya.
Kaya naman tanong ni Sam kay Paolo, "@paolovalenciano did you give the actor an award??? Or cash binigay mo? Hehe"
" I gave him ₱500 .. I know I know should’ve reported him .. but I was in traffic for more than an hour na and he wanted me to go with him to the station. Sobrang hassle .. happened a few years ago," sagot ni Paolo.
Humamig din ito ng mga komento mula naman sa mga netizen.
"Do you know that happened to me also. I was driving along Taft Ave Manila when a guy did the same thing. Would you believe that the police who saw it was also kakunchaba with the guy who acted and bumped the car. The end… I had to pay bad people."
"Oh no. I hope the car is okay."
"Sarap totohanin na lang para matapos na hehe."
"Kulang sa workshop paps!"
"Naku daming modus ngayon hahahaha kaya dapat may CCTV o camera para may ebidensya."