Ipinagtanggol ni Chloe San Jose ang kaniyang partner na si two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo sa mga kumuwestyon kung bakit hindi raw inimbitahan ang pamilya niya sa selebrasyon ng 25th birthday.
Matatandaang kamakailan ay nagbigay ng touching birthday message si Chloe sa kaniyang boyfriend noong Linggo, Pebrero 16.
Batay sa lokasyon ng Facebook post ay nasa Ho Chi Minh City, Vietnam ang dalawa.
Inilarawan ni Chloe ang partner bilang "favourite person in the universe" niya at "heart's biggest blessing."
"To my favourite person in the universe and my heart's biggest blessing, happy 25th birthday mahal ko Carlos ," mababasa sa caption.
"I wish you nothing but the best and the fulfillment of every dream you hold close to your heart "
"I’m beyond grateful to love you, laugh with you, and grow with you—thank you Lord God. Here's to more birthdays to come and celebrate together, forever ," giit pa ni Chloe.
Nagreply naman dito si Carlos ng "I Love You" sa pamamagitan ng isang GIF na makikita ang isang kuting.
Kalakip ng post ang sweet moments ng dalawa na kitang-kita sa mga larawang ibinahagi ni Chloe habang hawak nila ang cake ni Caloy.
MAKI-BALITA: Chloe, binati 'heart's biggest blessing' at mahal niyang si Carlos sa 25th birthday
Ngunit sa comment section ay tila may mga netizen pang hindi pa nakaka-move on sa usaping pampamilya ni Carlos matapos hanapin ang kaniyang pamilya, kung inimbitahan ba nila sa pagdiriwang.
Sey ng isang basher, "Nagpapakasaya ka pero ang magulang mo d mo pinapansin...happy???"
Palag naman ni Chloe, "Yes sis happy si Caloy, which makes y'all haters shake and your blood boil lmao. Eh yung mga relatives niya kaya naisip mo ba if pinapansin/pinansin and binati man lang nila si Caloy? The double standard."
Banat naman ng isa, "Hindi talaga niya invite yong familya niya."
Pag-alma ng GF ni Caloy, "why would you invite people to your birthday when they don't even bother making an effort to greet and celebrate you, kung gusto mo yung mga ganong bisita sa birthday mo ikaw na lang sis."
Matatandaang kamakailan lamang ay sinita rin ng mga netizen si Carlos matapos mag-viral ang larawan niya at nang kaniyang amang si Mark Andrew Yulo, matapos ihatid ang kapatid na si Karl Eldrew Yulo, nang pareho silang makatanggap ng parangal mula sa Philippine Sportswriter Association awards night noong Enero 27.
MAKI-BALITA: Mag-amang Carlos at Mark Andrew Yulo, nagkita na?
MAKI-BALITA: 'Mahiwagang kamay' sa reunion pic ng mag-amang Carlos, Mark Andrew Yulo inintriga