February 21, 2025

Home BALITA Metro

Babaeng rider, nasagasaan at naipit sa gulong ng dump truck, patay!

Babaeng rider, nasagasaan at naipit sa gulong ng dump truck, patay!

Isang babaeng rider ang patay nang masagasaan at maipit pa sa gulong ng isang dump truck sa Ermita, Maynila nitong Martes ng umaga, Pebrero 18.

Dead-on-the-spot ang 21-anyos na biktima, na hindi na pinangalanan ng mga awtoridad habang hawak na ng mga pulis ang driver ng truck na maaaring maharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide sa piskalya.

Lumilitaw sa ulat ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) na dakong alas-6:00 ng umaga nang maganap ang aksidente sa southbound lane ng Roxas Boulevard.

Nauna rito, galing umano sa Nueva Ecija ang truck, na kargado ng buhangin, at patungo sana ng Cavite nang habang binabaybay nito ang kahabaan ng Roxas Boulevard ay aksidenteng masagasaan nito ang biktima, na nagresulta sa pagkaipit ng katawan nito sa pagitan ng gulong ng truck.

Metro

₱2000 allowance, matatanggap na ng higit 18K estudyante ng PLM at UdM

Inabot pa umano ng tatlong oras o hanggang alas-9:00 ng umaga bago tuluyang naialis ang bangkay ng biktima sa pagkakaipit kaya’t nagdulot rin sa pagbibigat ng daloy ng trapiko sa lugar ang pangyayari.