March 07, 2025

Home BALITA National

Sen. Risa, naalarma sa 10 buwang gulang na sanggol na biktima ng sexual abuse: 'Nakakagimbal!'

Sen. Risa, naalarma sa 10 buwang gulang na sanggol na biktima ng sexual abuse: 'Nakakagimbal!'
Photo courtesy: Risa Hontiveros/Facebook and Pexels

Ikinabahala umano ni Sen. Risa Hontiveros ang naiulat na 10 buwang sanggol na biktima ng online sexual abuse na nasagip sa Pampanga. 

Sa kaniyang press release nitong Lunes, Pebrero 17, 2025, iginiit ng senadora na masakit umano sa puso bilang ina ang sinapit ng musmos na biktima. 

"Nakakagimbal. Bilang nanay, ang sakit sa puso malamang may musmos na inabuso't inalipusta kapalit ng pera," ani Hontiveros. 

Sa kabila nito, pinuri naman ni Hontiveros ang National Bureau of Investigation Human Trafficking Division sa pagkakatimbog sa suspek na siyang naglalako umano ng ilang menor de edad sa online platforms kapalit ng malaking halaga ng pera. 

National

WALANG PASOK: Class suspension para sa Biyernes, Marso 7

"I laud the National Bureau of Investigation Trafficking Division for apprehending the perpetrator. Maraming salamat sa kanila at sa National Coordination Center Against OSAEC (Online Sexual Abuse and Exploitation of Children) sa pagtutok sa kasong ito," anad senadora. 

Matatandaang noong Pebrero 6 nang magkasa ng operasyon ang NBI-Human Trafficking Division (NBI-HTRAD) at natimbog sa Pampanga ang si alyas "Marian" na bugaw ng tinatayang walong menor de edad kasama ang 10 buwang sanggol.

Kaugnay nito, sinabi rin ng senadora na tila hindi raw sapat ang naging implementasyon ng batas na kaniyang ipinasa hinggil sa isyu online sexual abuse and exploitation.

"However, as author of the Anti-Online Sexual Abuse and Exploitation of Children Law, I am disappointed that the implementation of the measure does not seem to proactively  protect children from this unspeakable violance. I cannot help but think that we are not doing enough," saad ni Hontiveros. 

Muli ring nanawagan ang senadora sa mga social media companies na pagtibayin ang kanilang regulasyon kaugnay ng mga krimeng naisasagawa gamit ang kani-kanilang online platforms. 

"Muli akong nananawagan sa mga social media companies na paigtingin ang kanilang mga regulasyon. Hindi na nga matugunan ang fake news, hindi pa maprotektahan ang ating mga anak," giit ng senadora. 

Siniguro rin ng senadora na mapanagot din ang ilang internet service providers, mga e-wallet at remittance centers na maaari umanong nagkakaroon ng partisipasyon sa OSAEC. 

"Panagutin natin kung kina-kailangan ang mga internet service providers, ang mga e-wallet o ang mga remittance center na maaaring naging bahagi ng paglago nitong OSAEC.