February 22, 2025

Home SHOWBIZ

Rendon, naasiwa sa mukha niyang ipina-tattoo: 'Parang kamukha ni Diwata!'

Rendon, naasiwa sa mukha niyang ipina-tattoo: 'Parang kamukha ni Diwata!'
Photo Courtesy: Rendon Labador, Screenshot from Diwata Pares Overload (FB)

Nagbigay ng reaksiyon ang social media personality na si Rendon Labador sa resulta ng mukha niya na ipina-tattoo ng isang netizen sa braso nito.

Sa Facebook post ni Rendon noong Linggo, Pebrero 16, sinabi niyang hindi raw niya alam kung ano ang mararamdaman sa kinalabasan ng nasabing tattoo.

“First time na may taong nag pa tattoo sa akin pero hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis,” saad ni Rendon.

Sabi pa niya sa comment section, “Badtrip parang kamuka ni Diwata yung tattoo, haaayyyy Patulong nga mga bro, sino ba malupit mag tattoo? pa cover up natin to ‍”

Tsika at Intriga

Kaila Estrada, tinutukso kay Daniel Padilla?

Umani ang post ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Nakupo!!!"

"Kamukha mo naman yung nasa tatoo"

"Kamukhang kamukha ah, portrait ..pa send ng location para maiwasan"

"Kamukha ni philmar? Dapat my 224 din."

"Dapat ma tuwa ka dahil may na motivate ka pero mainis ka dahil hindi mo naman mukha ang nilagay mukhang lalaki kasi yung nasa tattoo"

"Motivational Pares Overload Tattoo...."

"parang pinagsanib yata mukha nyo ni Diwata boss kaya nagka ganyan "

"Ginawa kang alien don ah"