February 23, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Philmar, nagpasalamat sa 1M followers kahit nasangkot sa intriga

Philmar, nagpasalamat sa 1M followers kahit nasangkot sa intriga

Nagpasalamat ang surfer at partner ni Andi Eigenmann na si Philmar Alipayo sa isang milyong followers niya sa social media, anuman daw ang dahilan nila kung bakit siya sinusubaybayan ng mga ito.

Mababasa sa kaniyang Facebook post, "Salamat karajaw naka abot nata sa 1M. ma pasalamaton ako karajaw sa mga nag supporta sanan nag sobaybay sa ako, padajon rata gihapon ."

Game naman si Philmar sa pagsagot sa ilang mga patutsada ng netizens kung bakit daw lumobo ang kaniyang following list.

May ilang inungkat pa ang katatapos lamang na kontrobersiya sa pagitan nila ni Andi matapos nitong ibahagi sa social media ang pagpapalagay nila ng "couple tattoo" ng kaibigan niyang si Pernilla Sjoo, na "224" o "2day, 2morrow, 4ever."

Tsika at Intriga

Kathryn, ipapartner daw kay Donny; si Belle naman kay Robbie Jaworski?

MAKI-BALITA: Andi, banas kay 'friend' na may couple tattoo kay Philmar

Pero sa kasalukuyan ay nagkaayos na ang mag-partner at nag-followan na ulit sa Instagram.

MAKI-BALITA: Philmar Alipayo, sinorpresa si Andi Eigenmann  MAKI-BALITA: Marupok yarn? Philmar Alipayo, sinabing okay na sila ni Andi Eigenmann