May 17, 2025

Home BALITA National

NBI chief sa mga kongresistang nagpapaimbestiga kay FPRRD: ‘Di naman sila yung tinatakot’

NBI chief sa mga kongresistang nagpapaimbestiga kay FPRRD: ‘Di naman sila yung tinatakot’
NBI Director Jaime Santiago (Photo: John Louie Abrina/MB)

May sagot si National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago sa mga kongresistang nananawagan sa ahensya na imbeastigahan ang naging pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na papatay na lamang siya ng 15 senador upang magkaroon ng puwesto ang walo nilang kandidato para sa Senado sa 2025 midterm elections.

Sa panayam ng mga mamamahayag nitong Lunes, Pebrero 17, sinabi ni Santiago na dapat umanong ang mga senador ang magreklamo ukol sa naturang pahayag ng dating pangulo, at hindi raw si Rep. Zia Alonto Adiong at iba pang kongresistang nananawagan sa NBI na mag-imbestiga.

“Mawalang-galang kay Cong. Adiong at sa iba pang congressman natin, nagi-instigate sila na mag-imbestiga ang NBI, hindi naman sila yung tinatakot eh, [kundi] yung mga senador,” ani Santiago.

“Dapat yung senador, kung sinuman, sila ang magreklamo kung alam nilang sila yung tinatakot na ipapapatay,” saad pa niya.

National

‘You’re a blessing to our family!’ PBBM, binati anak na si Vincent sa kaarawan nito

Samantala, sa naturang panayam ay iginiit din ni Santiago na kilala si FPRRD sa panahon ng administrasyon nito sa naturang pagsasalita kaya’t maituturing umanong bahagi lamang ng kaniyang “political propaganda” ang binitawan niyang salita sa nasabing proclamation rally.

“Nakikita ko, rhetorics lang niya. Part lang ng kanilang political propaganda,” aniya.

MAKI-BALITA: NBI chief sa pahayag ni FPRRD tungkol sa 'pagpatay' sa 15 senador: 'Nagjo-joke lamang siya!'

Matatandaang sa isinagawang proclamation rally ng PDP-Laban noong Huwebes, Pebrero 13, nagbigay ng pahaging si Duterte ukol sa kasalukuyang mga senador para raw magkaroon ng puwesto sa Senado ang walo nilang senatorial candidates sa PDP-Laban.

“Ngayon, marami kasi sila, ano'ng dapat na gawin natin? Eh ‘di patayin natin yung mga senador ngayon para mabakante. Kung makapatay tayo ng mga 15 senador, pasok na tayong lahat. Pero kawawa naman. Pero nakakainis kasi yung–hindi naman lahat. Talking of opportunities, the only way to do it is pasabugin na lang natin 'yang ano,” saad ng dating pangulo.

MAKI-BALITA: FPRRD para magkapuwesto raw PDP-Laban senatorial slate: ‘Patayin natin mga senador ngayon…’

Dahil dito, nagpahayag ng pagkondena ang ilang mga kongresista at nanawagan sa NBI na imbestigahan ang naging pahayag ni FPRRD.

MAKI-BALITA: Pahayag ni FPRRD sa umano'y pagpatay sa 15 senador, kinondena ng ilang mambabatas