February 24, 2025

Home SHOWBIZ

Mindset ni Gloria Diaz sa pera, pinusuan: 'Don’t lend money you can’t afford to lose!'

Mindset ni Gloria Diaz sa pera, pinusuan: 'Don’t lend money you can’t afford to lose!'
Photo courtesy: Isabelle Daza (IG)

Tila maraming mga netizen ang naka-relate at sumang-ayon sa naging sagot ni Miss Universe 1969 at aktres na si Gloria Diaz patungkol sa pera.

Sa Instagram post ng anak niyang si Isabelle Daza, inurirat niya ang kaniyang mommy kung nagpapahiram o nagpapautang ba siya ng pera.

"Has anyone ever borrowed money from you?" mababasa sa caption ng post, habang mapapanood si Gloria na naglalakad sa isang football field.

Tanong ni Isabelle sa mismong video habang kinukuhanan ang ina, "Mom, what’s your advice about money?"

Anne Curtis, pinag-birthday concert sa 'Showtime' nang hindi handa

Sagot ni Gloria, "Don’t lend money you can’t afford to lose.”

“But if you must help, just give a little as a present and don’t expect it to be returned," aniya pa.

Bukod sa mga netizen, sumang-ayon din sa nabanggit na mindset pagdating sa pera ang ilang celebrities gaya na lamang ni ABS-CBN news anchor Karen Davila, singer-actress na si Vina Morales, at mga TV hosts na sina Tim Yap, Ryan Agoncillo, at Kim Atienza.