February 21, 2025

Home BALITA Probinsya

Lolo, suspek sa panghahalay sa sariling apo; tiyuhin ng biktima, sangkot din!

Lolo, suspek sa panghahalay sa sariling apo; tiyuhin ng biktima, sangkot din!
Photo courtesy: Pexels

Naaresto ng pulisya ang 78 taong gulang na lalaki sa Antipolo, Rizal matapos umanong gahasain ang sariling apo. 

Ayon sa ulat ng 24 Oras noong Linggo, Pebrero 16, 2025, maka-ilang ulit umanong hinalay ng suspek ang kaniyang 18-anyos na apo magmula pa noong ito ay 15 taong gulang pa lamang. Sangkot din umano ang tiyuhin ng biktima na napag-alamang pinagsasalitan daw ang panghahalay sa kanilang apo at pamangkin. 

Sinubukan daw ng biktima na magsumbong sa kaniyang lola ngunit hindi raw nito pinakinggan ang apo, kung kaya't sa malayong kamag-anak daw humingi ng tulong ang dalaga upang mahuli ang lolo at tiyuhin.

Depensa naman ng lolo ng biktima, pinagalitan daw niya ang biktima dahil sa umano'y nawawalang pera, kaya ito raw ang dahilan kung bakit maaaring ginawan daw siya nito ng mga alegasyon.

Probinsya

9 na taong gulang, binaril sa dibdib ng tatay ng batang nakaaway niya

Samantala, tinutugis na ng pulisya ang tiyuhin ng biktima na kasalukuyan nang nagtatago.