Sinabi ng National Bureau of Investigation (NBI) na maglalabas na sila ng subpoena laban kay Jam Ignacio, ang inireklamong fiancé ng DJ-social media personality na si Jellie Aw, dahil sa umano'y pambubugbog sa kaniya kamakailan.
Sa ulat ng ABS-CBN News nitong Lunes, Pebrero 17, sinabi ni NBI Director Jaime Santiago na agad niyang inutusan ang Violence Against Women and Children Division (VAWCD) nang magsadya sa kanilang tanggapan si Aw at ireklamo si Ignacio.
"Inutusan ko agad ang VAWCD noong time na nagreklamo ‘yong DJ na puntahan, kunin, mahuli agad but then ang daming place naming pinuntahan, masyado siyang malikot,” paliwanag ni Santiago.
“During that time na kakaganap lang ng krimen, papasok pa sa hot pursuit. Pero at this point in time, isa-subpoena na lang siya ng aming VAWCD na pumunta rito, sumurrender, magbigay ng statement,” dagdag pa ni Santiago.
Ayon sa pahayag ni Aw sa NBI, sadyang seloso raw si Ignacio at kahit sa maliliit na bagay ay pinag-aawayan nila.
MAKI-BALITA: Jellie Aw, isiniwalat dahilan ng pambubugbog sa kaniya ni Jam Ignacio