Hindi pinalagpas ng hunk actor na si Derek Ramsay ang komento ng isang netizen na balang araw daw, magpapa-couple tattoo rin ang anak nila ng misis na si Ellen Adarna, sa isang kaibigan nitong married person.
Umaani kasi ng batikos mula sa ilang mga netizen ang naging pagsita ni Derek kina Philmar Alipayo at Andi Eigenmann kaugnay pa rin sa isyu ng pagpapalagay ng couple tattoo nina Philmar at girl best friend niyang si Pernilla Sjoo.
Matatandaang pinagsabihan ni Derek ang couple, lalo na si Philmar, dahil pati raw sila nina Ellen ay nadamay sa isyu, sa naganap na panayam sa kaniya ni showbiz insider Ogie Diaz.
"Kung galit ka, naiintindihan ko ‘yon. Nasa kultura ng Pilipino ‘yon. Mali na nagpa-tattoo sila [Philmar at Pernilla Sjoö] together. Mali. She’s [Pernilla] a foreigner, she didn’t do it with intent to hurt Andi,” saad ni Direk.
“Pati ako nga sinasabihan ngayon,” pagpapatuloy niya. “Nadamay na kami ni Ellen [Adarna] na pati ako ‘Ellen, mag-ingat ka. Agawin si Direk.’ So, do’n magsasalita na talaga ako.”
Dagdag pa ng aktor, “Ang unang ayusin mo ‘yong partner mo; ‘yang si Philmar. Ayusin mo ‘yon. Huwag mong ilagay sa publiko. Because you don’t know the action that you did without thinking.”
Kaya naman, isang netizen ang nagkomento sa Instagram post ni Derek kasama ang daughter nila ni Ellen habang karga ito.
Mababasa sa komento, "that baby will eventually have a couple tattoo with a married person, how would you feel."
Tugon naman ni Derek, "This is the perfect example of how evil the world is. One thing is for sure when my beautiful daughter grows up she will have the kindness to forgive people like you," aniya.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo nina Andi at Philmar tungkol sa mga nasabi ni Derek sa panayam ni Ogie Diaz.