Inilabas na ang full trailer ng pelikulang “My Love Will Make You Disappear” na pagbibidahan nina Kapamilya stars Paulo Avelino at Kim Chiu.
Sa Facebook post ng Star Cinema noong Biyernes, Pebrero 15, makikita ang release date ng nasabing pelikula.
“There’s more to love in the Kim Chiu and Paulo Avelino starrer which will open exclusively in cinemas worldwide beginning March 26, 2025. ‘My Love Will Make You Disappear’, is directed by Chad Vidanes!” saad ng Star Cinema.
Pahabol pa nila, “Love! But, don’t disappear! ”
Umani ang trailer ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Dina ako aalis dito, ayoko ng bitawan cp oi....yati ni c Melai"
"Super cute my goodness trailer p lng nkk Inlove n, omg, #kimpau, can't wait n tlga, congrats direk Chad and MLWMYD CAST, to Pau and kimmy "
"The best Superstar KIMPAU"
"Jusko!!!!sana march 26 na bukas Ang Ganda nang trailer "
"Ang galing lalo na sa comedy ang galing ni Kimmy"
"Kung sana di inurong yung showing date edi sana lahat tayu kinilig na sa Sinehan "
Matatandaang Oktubre nang ianunsiyo ng Star Cinema na malapit na umanong mapanood ng fans nina Kim at Paulo ang highly anticipated first movie together ng dalawa.
Ngunit noong Enero ay nag-trending ang KimPau at Star Cinema sa X (dating Twitter) dahil sa tsikang hindi raw matutuloy ang release ng “My Love Will Make You Disappear.”
MAKI-BALITA: Star Cinema, nagsalita na sa pagkaantala ng pelikula ng KimPau