March 12, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Singer at negosyanteng kasama ni Mark Herras sa casino, nagsalita na

Singer at negosyanteng kasama ni Mark Herras sa casino, nagsalita na
Photo Courtesy: Screenshots from Showbiz Updates (YT)

Tinuldukan na ni “Revival King” Jojo Mendrez ang lumulutang na intriga tungkol sa kaniya ng actor-dancer na si Mark Herras.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Biyernes, Pebrero 14, sinabi ni Jojo na wala raw malisya ang pagkikita nila ni Mark.

“Hindi totoo ‘yong tsismis. Wala ‘yong malisya. Kasi nagkaroon lang ng collaboration sa Okada. [...] ‘Yong manager ko do’n naka-check in, nagkataon,” lahad ni Jojo.

Dagdag pa niya, “Kukunan sana siya ng video reaction sa Starbucks, e, maraming tao. Kaya sabi ng manager ko, do’n na lang sa room. Do’n kami nakunan no’ng naglalakad kami.”

Tsika at Intriga

Whamos pumalag sa okray na 'barat' pasuweldo sa pinapahanap na videographer, editor

Pero napagdeisyunan daw ng management na huwag nang ilabas pa ang video reaction ni Mark dahil nga sa mga panghuhusga ng netizen.

“Tuloy-tuloy ‘yong isyu, nag-judge na lahat ng mga tao. Hindi mo na ma-explain. So, siyempre ‘pag nilabas mo ‘yon lalong magkakaroon pa ng intriga,” ani Jojo.

Matatandaang nagsimulang pag-usapan ang tungkol sa isyung ito matapos ibahagi ni “Pambansang Marites” Xian Gaza ang video clip nina Mark at Jojo na magkasama nga sa Okada.